SAN JUAN CITY — Umabot sa 200 school chairs na gawa sa recycled plastic ang ipinamahagi sa Kabayanan Integrated School sa San Juan City sa ilalim ng Project Hiraya ng JCI Manila.
Pinangunahan nina San Juan City Mayor Francis Zamora at JCI Manila 2026 President Edison C. Ke ang ceremonial turnover ng mga upuan nitong Lunes, Agosto 17.







