MANILA, Philippines- Sinertipikang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang House Bill (HB) No. 10800 o ang General Appropriations Bill (GAB), naglalaman ng panukalang 2025 budget, na magbibigay-daan para sa agarang pagpasa sa panukala.
Sa plenary session nitong Martes, kinumpirma ng Kamara ang pagkakatanggap sa liham ni Marcos.
Bibigyang-daan nito ang pag-apruba ng Kamra sa HB No. 10800 sa ikatlo at huling pagbasa sa parehong araw.
Naglalaman ang GAB ng House-amended 2025 National Expenditures Program, nagkakahalaga ng P6.352 trilyon. RNT/SA