Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa S. Luzon, Visayas

Easterlies magpapaulan sa S. Luzon, Visayas

MANILA, Philippines- Magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan at ulan sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas ngayong Miyerkules, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Nagbabadya naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungo sa east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Iiral sa Mindanao ang light to moderate wind speed patungong south to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas- 5:45 ng umaga at lulubog ng alas-5:50 p.m. ng hapon. RNT/SA