MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na sisimulan na rin ang national and local elections training sa election volunteers sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at sinabing gaganapin ang training sa Diamond Hotel sa Enero 27 para sa pagsasanay ng Trainers Phase I.
Ayon kay Garcia, mayrooong darating na field officials sa susunod na linggo at sa mga susunod na linggo.
“Jam-packed po ang training nila because this is the last time we will brief them face to face. We will also train the DOST certifiers next week,” sinabi ni Garcia.
Kasama sa pagsasanay ang GI at ACM/CCS operations maging ang deployement ,finance, VSO, contingency, kung anong materyales/peripherals ang darating, at ano ang nasa loob ng ACM/CCS box, NTSC, DESO.
Ayo kay Garcia, magiging abala na ang mga field personnel mula ngayong Enero hanaggang sa Abril at Mayo bago ang 2025 midterm elections. (Jocelyn Tabangura-Domenden)