Home METRO 2 parak sugatan sa baka

2 parak sugatan sa baka

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sugatang makaraang bumangga ang sinasakyan na mobile patrol sa isang kongretong poste nang tangkaing iwasan ang isang tumatawid na baka sa Indang, Cavite

Ayon sa report, ginagamot ngayon sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang kinilalang sina PSSG Jerwin Anacan ng Brgy Buna Cuenca; at PAT. Ave Jay Masangacay ng Brgy. Kaytapos, kapwa nakatalaga sa Indang Municipal Police Station dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Sa ulat, bandang alas-2:00 kamakalawa ng madaling araw habang pagpapatrolya ang dalawang pulis lulan ng isang mobile patrol sa Trece-Indang Road sakop ng Brgy. Mataas na Lupa, ng nasabing bayan nang tumawid ang isang baka sa kalsada.

Tinangkang iwasan ng driver ng mobile na si Anacan ang baka subalit tumuloy ito sa opposite lane kaya bumangga sila sa gutter at sa isang kongretong poste.

Kaagad na naisugod ang dalawang pulis sa ospital kasalukuyang nilalapatan ng lunas. Margie Bautista