Home NATIONWIDE Deployment ban ng DH sa Kuwait, hirit ni Tulfo sa DFA, DMW

Deployment ban ng DH sa Kuwait, hirit ni Tulfo sa DFA, DMW

Hiniling ng isang mambabatas sa Senado na ipagbawal ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait base sa patuloy na kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa overseas Filipino workers sa naturang Gulf state.

Sa pagdinig ng Senate Committee on migrant workers, hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na irekomenda ang ban kay President Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng pagpatay sa dalawang Filipinos sa Kuwait.

“Mahal ng ating Pangulo ang mga OFW (overseas Filipino workers). Isa sa mga pinagtutuunan niya ng pansin ay itong mga OFW natin,” ayon kay Tulfo.

Aniya, kahit nagpapasalamat sa mabilis ng katarungan na naibigay sa pumatay ng OFWs, hindi sapat ang hustiya.

“Dapat huwag nang mangyari, walang namamatay,” ayon kay Tulfo.

Sakaling matuloy ang deployment ban, hindi sakop dito ang umiiral na kontrata at babalik na OFW sa Kuwait.

Ngunit, nagbigay naman ng “maingat na suporta” si DFA Undersecretary Eduardo De Vega, sa panukalang deployment ban, na puwedeng gamiting pamamaraan sa pagsusulong ng mas maraming proteksiyon sa ating kababayan sa naturang bansa.

Binanggit din ni De Vega ang ginawa ng Indonesia na ipinagbawal ang pagpapadala ng household worker sa Middle East na nagpapakita na possible ang panukala.

Pero, aniya baka magkalamat ang relasyong diplomatiko ng bansa sa Kuwait kasunmod ng temporary deployment ban noong 2023 sa pagpatay kay OFW Jullebee Ranara.

“We already know the repercussions based on what we did in 2023. We banned domestic helpers, and they then banned all workers, including skilled workers. But I think we survived,” aniya.

Natagpuan ang bangkay ni Ranara, isang 35-year-old household worker, na sinunog sa disyerto noong January 2023.

Sinabi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na bukas siya sa panukala pero hiniling njtong pag-aaralan ang posibilidad.

“Yes, Mr. Chair, it is possible, but bigyan niyo lang po ako ng kaukulang panahon, isang linggo po, ayon kay Cacdac. Ernie Reyes