Home NATIONWIDE 2,094 pumasa, Benilde nanguna sa Architect Licensure Exam

2,094 pumasa, Benilde nanguna sa Architect Licensure Exam

MANILA, Philippines – Nanguna sa architect licensure examination ngayong Hunyo ang isang nagtapos sa De La Salle -College of St. Benilde.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 2,094 mula sa  3,370 ang kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Ibinigay ng Board of Architecture sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban,Tuguegarao at Zamboanga.

Nakuha ni Louie Nathaniel Pascual Kiu ng St. Benilde ang pinakamataas na score na 83.80% habang ang top performing school na hindi bababa sa 50 examinees ay ang Polytechnic University of the Philippines-Sta.Mesa na may 56 nakapasa mula sa 60 test takers.

Makikita ang kabuuang listahan ng mga pumasa sa nasabing pagsusulit sa official website ng PRC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)