Home NATIONWIDE $20B weapons package sa Israel aprubado ng US

$20B weapons package sa Israel aprubado ng US

Palestinians run along a street as humanitarian aid is airdropped in Gaza City on March 1, 2024, amid the ongoing conflict between Israel and the Hamas militant group. - For months, aid workers have warned of an increasingly desperate situation for Gazan civilians, and on February 26 an official from the UN humanitarian office OCHA said widespread starvation was "almost inevitable". (Photo by AFP)

UNITED STATES – Inaprubahan ni US President Joe Biden ang mahigit $20 bilyong halaga ng mga bagong armas na ibebenta para sa Israel.

Ito ay kasunod ng pagpigil ng mga rights activist na itigil na ang pagbebenta ng mga armas sa naturang bansa dahil sa mataas na death toll sa Gaza.

Ang bentahan ay kasunod ng pagtutulak ni Biden sa Israel at Hamas na magkaroon na ng ceasefire matapos ang 10 buwan nang gyera.

Sa notification sa Kongreso, sinabi ng State Department na inaprubahan nito ang pagbebenta ng 50 F-15 fighter jets sa Israel sa halagang $18.82 bilyon.

Bibili rin ang Israel ng nasa 33,000 tank cartridges, hanggang 50,000 explosive mortar cartridges at bagong military cargo vehicles.

Ang F-15 aircraft, kung saan nagsimula na magsisimula ang paghahatid sa 2029, ay maga-upgrade sa kasalukuyang fleet ng Israel at magkakaroon din ng radar at communications equipment.

“The United States is committed to the security of Israel, and it is vital to US national interests to assist Israel to develop and maintain a strong and ready self-defense capability,” saad sa abiso ng State Department kaugnay sa F-15s.

Ang pagbebenta naman ng tank cartridges “will improve Israel’s capability to meet current and future enemy threats, strengthen its homeland defense and serve as a deterrent to regional threats.”

Maaaring harangin ng US Congress ang pagbebenta ng mga armas bagamat mahirap ang prosesong ito. RNT/JGC