TUGUEGARAO CITY- Itinuturing na pinakabatang alkalde sa bansa ang nanalong mayor na anak ng napaslang nitong ama na si dating mayor Atty. Joel Ruma.
Nanalo bilang alkalde sa bayan ng Rizal nitong katatapos na Mayo 12 na eleksyon si Jamila Ruma, 21.
Matatandaang napatay ang kanyang ama noong Abril 23, 2025 sa isang campaign sortie at itinuturing na politika ang motibo sa krimen.
Naniniwala si Jamila na ang kanyang pagkapanalo ay senyales para ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama.
Nagpapasalamat din ang pinakabatang alkalde sa kanyang mga kababayan sa ibinigay na pagtitiwala at tapat niyang paglingkuran ang bayan. Mary Anne Sapico