Home ENTERTAINMENT Ama ni Daniel, olat sa Nueva Ecija!

Ama ni Daniel, olat sa Nueva Ecija!

Cuyapo, Nueva Ecija – Sa kasamaang-palad, hindi umayon ang mga bituin para palaring magsilbi bilang alkalde si Rommel Padilla.

Si Rommel ay ang ama ni Daniel Padilla na tumakbong mayor sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Bale kapatid ni Rommel si Senator Robin Padilla at dating karelasyon ni Karla Estrada.

Matatandaang sa kasagsagan ng kampanya para sa lokal na puwesto’y tumulong pa si Karla sa kandidatura ni Rommel.

Balitang naghandog pa ito ng song number.

Naiulat ding maayos ang relasyon ng mag-amang Rommel at Daniel.

Sa katunayan, nagtanghal pa ang Kapamilya actor sa isang campaign rally ng ama sa Cuyapo.

Dating nasa pulitika ang angkan ng Padilla, lalo na ang patriarch nito na kabiyak ni Mommy Eva Cariño Padilla. Ronnie Carrasco III