MOZAMBIQUE – Sumiklab ang karahasan sa Mozambique matapos kumpirmahin ng pinakamataas na korte sa bansa na si Frelimo party presidential candidate Daniel Chapo ang nanalo sa October 9 elections.
Napaulat na nasa 21 katao ang nasawi sa naturang kaguluhan, kabilang ang dalawang pulis.
Ayon kay Mozambique Interior Minister Pascoal Ronda, sumiklab ang karahasan at looting bago pa ang anunsyo ng korte.
Aniya, ang mga nagprotesta ay pinangungunahan ng mga kabataang supporter ng natalong kandidato na si Venancio Mondlane, na nakatanggap ng 24 percent ng mga boto, ikalawa kay Chapo na nakakuha ng 65 percent.
“From the preliminary survey, in the last 24 hours, 236 acts of violence were recorded throughout the national territory that resulted in 21 deaths, of which two members of the Police of the Republic of Mozambique also died,” ani Ronda.
Bukod sa mga nasawi, mayroong 13 sibilyan at 12 pulis ang nasaktan.
Nasa 25 sasakyan naman ang sinunog, kabilang ang dalawang police vehicle.
Inatake rin ang 11 police subunits at penitentiary, habang 86 inmates ang pinatakas. RNT/JGC