Home METRO CAFGU member sugatan sa ligaw na bala sa Zamboanga

CAFGU member sugatan sa ligaw na bala sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Tinamaan ng ligaw na bala ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) kasabay ng pagdiriwang ng Pasko sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Lt. Col. Rolando Vargas Jr., commanding officer ng Army 53rd Infantry Battalion, ang biktima na si Bonie Cabaron, 32.

Tinamaan ng ligaw na bala ang kaliwang braso nito.

Ani Vargas, naka-off duty si Cabaron nang mangyari ang insidente sa Barangay Sugod bandang alas-11 ng gabi nitong Martes, Disyembre 24.

Ayon kay Cabaron, nasa kalapit na tindahan ang biktima para maki-WiFi at habang busy sa cellphone ay bigla na lamang itong nakaramdam na tila may tumamang bato sa kanya.

Napansin naman ng mga tao sa tindahan na may sugat ito kaya agad na dinala sa Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) sa Pagadian City.

Dahil walang doctor sa pinagdalhang ospital ay inilipat ito sa iba pang ospital.

Agad naman na nabigyan ng anti-tetanus shot mula sa rural health center ng Tukuran, si Cabaron.

Tutulungan ng mga awtoridad si Cabaron. RNT/JGC