Home TOP STORIES Pa-concert ni Kiko sa Cebu nilangaw?

Pa-concert ni Kiko sa Cebu nilangaw?

0
Pa-concert ni Kiko sa Cebu nilangaw?

Nilangaw umano ang rally at concert ni dating senador Kiko Pangilinan sa Plaza Independencia sa Cebu City kahapon, batay sa mga paunang larawang kuha ng pahayagang The Freeman.

Makikita sa larawan na ilang supporter pa lang ang nasa venue na nakapayong pa dahil sa masamang panahon.

Kapansin-pansin din na kalat-kalat pa ang puwesto ng kanyang mga tagasuporta na tila nag-aabang lang sa mga performer. Habang isinusulat ito ay hindi pa batid ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa concert dahil aabutin ito hanggang gabi.

Dumalo at nagtanghal naman sa event si Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, Piolo Pascual, Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Pinky Amador, and Darren Espanto.

Inanunsiyo na ng kampo ng dating senator na hindi makakasipot sa pa-concert sina Jolina Magdangal at Rivermaya dahil sa hindi inaasahang kadahilanan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here