Home NATIONWIDE Anson Que ransom case, seryosong banta sa pambansang seguridad – solon

Anson Que ransom case, seryosong banta sa pambansang seguridad – solon

MANILA, Philippines – Tinuturing ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na banta sa seguridad ng bansa ang pag-launder ng ransom money mula sa dinukot at pinatay na negosyanteng si Anson Que kung saan ginagamit ang mga junket operator, e-wallet, at cryptocurrency platform.

“This is no longer just about ransom—it’s about a vast shadow economy of crime that’s infiltrating and abusing our financial system,” paliwanag ni Barbers.

“What we’re dealing with is a deeply entrenched network of foreign syndicates using the Philippines as a safe haven for financial crimes,” dagdag pa ni Barbers.

Ang pahayag ay ginawa ni Barbers matapos tukuyin ng Philippine National Police (PNP) ang money trail at money laundering scheme na kanilang nadiskubre sa P200 million ransom na nakuha sa pamilya Que.

Bunga nito, umapela si Barbers na palakasin ng bansa ang regulasyon sa digital tools.

“Ipinapakita dun sa money trail kung paanong nakakasabay na ang mga criminal syndicate para samantalahin ang mga digital tools at mahinang regulasyon para sa kanilang mga transnational na operasyon. These criminals are sophisticated, well-financed, and well-connected. They must be met with the full force of the law,” paliwanag ni Barbers.

Batay sa report ng PNP, ang ransom money ay dumaan sa dalawang junket operators—ang 9 Dynasty Group at White Horse Club—bago ito inilipat sa mahigit 10 e-wallets na pawang nakarehistro gamit ang pekeng pagkakakilanlan.

Kalaunan, ang mga pondo ay ginawang cryptocurrency, kaya nahirapan sa pagtukoy at pagbawi. Gail Mendoza