ININDORSO ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Ate Rose Nono Lin bilang Kongresista ng ika limang distrito ng Quezon City, ayon sa iba’t ibang ulat.
Bunsod nito, agad namang pinasalamatan ni Ate Rose Lin ang tiwala at suporta ng INC sa matinding suporta sa kanya ng sektor.
Isa aniyang malaking karangalagan ito na mapabilang sa mga kandidato na binigyan ng basbas ng INC sa kanilang pagtakbo sa nalalapit na May 12 midtern election.
Bukod dito, tumanggap din ng matinding pagsuporta si Rose Lin mula sa malalaking voting blocks mula sa Muslim groups, senior citizens, TODA , market vendors group, Youth at iba pang grupo na nagbigay na ng kanilang commitment sa mga local leaders.
Ani Rose Lin patunay umano ang mga suportang natatanggap ng maraming nagtitiwala sa kanyang kakayahan at talino upang mapaunlad ang distrito 5 ng QC. (Santi Celario)