MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 217 na bagong kaso ng coronavirus nitong Biyernes, Disyembre 1, na nagtulak sa nationwide caseload sa 4,125,083.
Batay sa pinakahuling bulletin, bahagyang bumaba ang active cases sa 3,186, habang ang kabuuang recoveries ay umakyat sa 4,055,131.
Ang bilang ng mga namatay ay nanatili sa 66,766. Ito na ang ikatlong araw ng walang bagong pagkamatay.
Sa nakalipas na 14 na araw, nanatiling rehiyon ang NCR na may pinakamaraming kaso na may 667, sinundan ng Calabarzon na may 360, Western Visayas na may 202, Central Luzon na may 195, at Central Visayas na may 111.
Sinabi ng DOH na may kabuuang 2,512 indibidwal ang nasuri noong Nobyembre 30, kung saan 293 testing lab ang nagsumite ng data. RNT