Home NATIONWIDE 22 lugar makararanas ng peligrosong damang-init

22 lugar makararanas ng peligrosong damang-init

104
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na posibleng umabot sa mapanganib na antas ng init o “danger” level ang heat index sa 22 lugar sa bansa ngayong Miyerkules, Mayo 14.

Limang lugar ang maaaring umabot sa 44°C ang heat index—ito ay ang Cavite City; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Roxas City, Capiz; at Butuan City, Agusan del Norte.

Anim na lugar naman ang maaaring makaranas ng 43°C na init, kabilang ang Coron, Palawan; Masbate City, Masbate; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; Tacloban City, Leyte; at Guiuan, Eastern Samar,

May 11 lugar pa—kabilang ang Pasay City, Metro Manila; Quezon City, Metro Manila; Bacnotan, La Union; Olongapo City, Zambales; Tanauan, Batangas; Puerto Princesa City, Palawan; Siquijor, Siquijor; Catarman, Northern Samar; Baybay, Leyte; Maasin, Southern Leyte; and Dipolog, Zamboanga del Norte—na inaasahang aabot sa 42°C.

Ayon sa PAGASA, delikado ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C. Mataas ang posibilidad ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heatstroke lalo na sa mga matagal na na-expose sa matinding init. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here