Home NATIONWIDE Full alert status ng PNP ibinaba sa heightened alert pagkatapos eleksyon

Full alert status ng PNP ibinaba sa heightened alert pagkatapos eleksyon

248
0

MANILA, Philippines – Ibinaba na mula full alert sa heightened alert ang Philippine National Police (PNP) matapos ang maayos at payapang halalan noong Mayo 12.

Ayon kay PNP Information Chief Col. Randulf Tuaño, ang mga pulis na tapos na sa kanilang tungkulin sa eleksyon ay balik na sa regular na trabaho, habang ang iba ay mananatili sa mga lugar na hindi pa naipoproklama ang mga nanalo.

Ayon sa ulat ng PNP, 49 lang ang election-related incidents ngayong taon—mas mababa ng 53% kumpara sa 105 na kaso noong 2023. Karamihan sa mga insidente ay isolated, gaya sa BARMM at Abra, at agad na inaksyunan ng kapulisan.

Ipinagmalaki ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na naging susi sa mas mapayapang eleksyon ang maagang deployment ng mga pulis at koordinasyon sa Comelec at AFP.

Dagdag niya, patunay ito na seryoso ang gobyerno sa pagsigurong ligtas at walang karahasan ang halalan. Pinuri rin ni dating PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang buong hanay ng PNP sa mahusay na pagtupad sa tungkulin. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here