Home NATIONWIDE 220 dagdag-kaso ng COVID naitala

220 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 220 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes, Hulyo 4.

Ito na ang pinakamababang bilang na naitala sa nakalipas na 81 araw o 12 linggo.

Kasabay nito, bumaba pa sa 6,635 ang aktibong kaso ng sakit.

Umakyat naman sa 4,166,089 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa at ang total recoveries ay tumaas din sa 4,092,970.

Samantala, nananatili sa 66,484 ang total death toll o nasasawi dahil sa COVID-19.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng sakit sa 1,304, sinundan ng Central Luzon sa 887, Calabarzon sa 749, Western Visayas sa 448, at Cagayan Valley sa 416.

Hanggang nitong Lunes, Hulyo 3, nasa 16.3% ang bed occupancy sa COVID-19 sa 3,958 okupado at 20,318 bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articlePilipinas aalisin ni Herbosa sa Top 10 countries na may pinakamaraming kaso ng TB
Next articlePNP pinalalayas na sa ni-raid na POGO hub