Home NATIONWIDE 220 dayuhan hinarang papasok ng Pinas noong Marso

220 dayuhan hinarang papasok ng Pinas noong Marso

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nasa 150 Vietnamese nationals ang ipinatapon pabalik sa kanilang bansa nitong buwan ng Marso.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), ang pagtaas ng entry denials ay nag-ugat sa pagdami ng mga Vietnamese national na natagpuang nagtatrabaho sa mga ilegal na online gaming hub.

Bukod sa mga Vietnamese, pinabalik na rin sa kani-kanilang bansa nitong Marso ang nasa 30 Chinese at 14 Indonesian.

Nabatid na nasa kabuuang 220 dayuhang iba’t iba ang nasyonalidad ang hindi pinasok sa parehong buwan, matapos mapatunayang lumabag sila sa Philippine Immigration Act of 1940.

“We leverage available data on past arrests and interceptions to identify individuals exhibiting similar travel behaviors,” paliwanag ni Tansingco.

Ang nasabing mga dayuhan ay kasama sa blacklist ng BI, upang hindi na muli silang makabalik ng bansa. JAY Reyes