Home METRO 8 sugatan sa sunog sa QC

8 sugatan sa sunog sa QC

153
0

MANILA, Philippines- Sugatan ang walong indibidwal sa sunog na tumama sa isang residential area sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat.

Naganap ang pagliyab, na umabot nasa first alarm, sa Commissioner Street, sa likod lamang ng Novaliches General Hospital.

Ayon sa mga residente, kumakalat na ang sunog nang magising sila.

Patay din umano ang dalawang aso sa insidente.

Naapula naman ang sunog ng alas-6:29 ng umaga.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang mitsa ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here