Home METRO Ginang buking sa tangkang pagpuslit ng droga sa loob ng kulungan

Ginang buking sa tangkang pagpuslit ng droga sa loob ng kulungan

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang 45-anyos na babaeng bumibisita sa kanyang asawa sa kulungan matapos mahuli sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat, dumating ang babae sa Caloocan City Jail noong Biyernes para sa conjugal visit sa kanyang asawa.

Natuklasan sa routine search ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, na itinago niya sa pribadong parte ng kanyang katawan.

“Nakalagay sila sa isang plastic saka sini-seal sila ng condom. Tapos in-insert sa alam naman natin ang private part. Very elastic yan, papasok talaga,” pahayag ni Jail Superintedent Jerome Verbo.

Kabilang din sa itinagong items ang aluminum foil at 60 sigarilyo.

“Kung makikita niyo sa may gate kanina meron doon na private room, sine-search talaga. Lady personnel din ang nagse-search. Bawal po mag-search yung lalaki sa mga babae,” wika ni Verbo.

Mahaharap ang ginang sa kasong illegal possession of drugs. Base kay Verbo, may kaugnayan din ang kaso ng mister sa ilegal na droga. RNT/SA