Home NATIONWIDE 220 flamingo patay sa bird flu sa Argentina

220 flamingo patay sa bird flu sa Argentina

ARGENTINA – Patay ang nasa 220 flamingos sa probinsya ng Catamarca sa northwestern Argentina dahil sa outbreak ng avian influenza, o kilala bilang bird flu.

Ang bird flu ay nakahahawa at pamatay na viral disease na karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng wild aquatic birds, gaya ng ducks, geese at swans, ngunit maaari ring makahawa sa iba pang bird species gaya ng domestic poultry, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Ang H5N1 strain ng bird flu ay kumalat na sa mahigit 80 bansa mula 2022, ayon sa World Health Organization.

Wala pang tukoy na gamot para labanan ang virus, ayon sa New York State Wildlife Health Program. RNT/JGC