Bulacan – Arestado ang nasa 222 indibiduwal habang nakasamsam ng P8,560,753.32 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.
Sa report kay Police Regional Office (PRO3), Acting Regional Director PBGEN Ponce Peñones Jr, ikinasa ang 141 operasyon ng pulisya sa ibat-ibang panig ng naturang rehiyon mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 5.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa 1,086.28 grams na shabu, 3, 283.85 grams na dried marijuana leaves at 520 grams na kush na may kabuuang halagang P8,560,753.32.
Samantala, huli rin sa magkakahiwalay na manhunt operations ang163 wanted person’s kabilang dito ang 121 most wanted at 42 iba pang wanted.
Kaugnay nito, nadakma rin ng mga awtoridad ang 14 indibiduwal habang nakasamsam ng 31 assorted firearms sa kanilang isinagawang 15 operasyon kontra loose firearms.
Nakakulong na ang mga naarestong indibiduwal sa istasyon o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III