MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang leptospirosis-causing bacteria ay maaaring pumasok sa micro-abrasions sa mga balat.
Sinabi ni DOH spokesperson Albert Domingo na ang leptospirosis ang isa sa weather-induced diseases na binabantayan ng ahensya ngayong tag-ulan kasama ng influenza-like illnesses, dengue, at waterborne diseases.
Ang iba pang entry points ng bacteria na nagdadala ng leptospirosis ay sa mata at bibig.
Binigyang-diin ng DOH ang palaging paghuhugas ng katawan ng sabon at tubig sa sandaling malantad sa tubig baha at agad na magpatingin sa doktor para mabigyan ng prophylaxis.
Muling nagbabala ang DOH laban sa posibleng pagsirit ng kaso ng dengue, leptospirosis, at waterborne diseases, sa patuloy na pag-ulan at pagbaba sa maraming bahagi ng bansa.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na magsagawa ng dagdag na pag-iingat tulad ng pagpapakulo ng inuming tubig sa loob ng dalawang minuto upang maiwasang tamaan ng waterborne disease.
Samantala, ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask kung magpapatuloy ang mga sintomas ay lubos na ipinapayong maiwasan ang pagkalat ng mala-flu na sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden