
MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa illegal vape distribution sa Manila at nasamsam ang hindi rehistradong items na nagkakahalaga ng P8 milyon.
Ayon sa NBI, inaresto ng grupo ng NBI at Department of Trade and Industry (DTI) ang limang indibidwal sa entrament operation sa Santa Cruz, Maynila noong Hulyo 3.
Nakumpiska ang 25,657 vape products na may market value na P8,164,570.
Sinabi ng NBI na isa sa suspek ay iniulat na gumagamit ng media platforms sa merkado ng unregistered vape products, na lumalabag sa Vaporaized Nicotine at Non-Nicotine Products Regulation Act.
Samantala, ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa NBI-Security Management Division ay iniharap sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office ang limang naaresto sa paglabag sa Vaporized Nicotine at Non-Nicotine Regulation Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 gayundin ang paglabag sa Consumer act of the Philippines na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden






