Home NATIONWIDE Emergency Response Department, nais likhain ni Cayetano kapalit ng NDRRMC

Emergency Response Department, nais likhain ni Cayetano kapalit ng NDRRMC

314
0

MANILA, Philippines – Muling inihain ni Senador Alan Peter Cayetano kamakailan ang mas maayos a bersyon ng panukalang batas sa paglikha ng Emergency Response Department o ERD kapalit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD).

Ayon kay Cayetano, kanyang isinulong ang paglikha ng bagong ahensiya bilang tugon ito sa pangangailangan ng isang full-time at sentralisadong ahensiyang tututok sa disaster response at humanitarian efforts ng bansa.

Inihain ni Cayetano ang panukala upang gawing mas epektibo, science-based, at people-centered ang paraan ng pagharap sa mga sakuna at emergency.

“Our people are the nation’s greatest asset, so every disaster risk reduction and management effort must always prioritize their humanitarian needs,” sabi ni Cayetano.

Isa sa mga pangunahing dagdag sa panukala ay ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng 911 Nationwide Emergency Hotline system. Mula sa pagiging bahagi ng Executive Order No. 56, series of 2018, ilalagay na ito sa ilalim ng bagong bubuuing departamento.

Sakop din ng panukala ang pagsasama ng mga tungkulin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa ERD upang maging iisa ang direksyon at pamumuno pagdating sa mga sakuna.

Bilang isang centralized agency, pangungunahan ng ERD ang pagpaplano, koordinasyon, at pamamahala ng lahat ng disaster risk reduction at humanitarian emergency assistance program ng gobyerno.

Kasama rin sa itatatag ng ERD ang mga Regional Emergency Response Offices (REROs) at Local Emergency Response Offices (LEROs) para masiguro ang mabilis at sabayang tugon sa bawat sulok ng bansa.

Binigyang diin sa panukala ang simple pero strategic approach sa disaster preparedness, gamit ang siyensiya at prinsipyo ng “Build Right at First Sight” at “Anticipatory Action.”

Isa pang mahalagang bahagi ng panukala ay ang pagtatatag ng Humanitarian Emergency Assistance and Disaster Fund o HEAD Fund na popondohan ng hindi bababa sa isang porsyento ng regular na kita ng gobyerno o P25 bilyon, kung alin man ang mas mataas. Ang pondo ay agad na magagamit para sa mga lugar na tinamaan o posibleng tamaan ng sakuna.

Matagal nang isinusulong ni Cayetano ang ganitong panukala simula pa noong 2013. Giit niya, kailangan ng bansa ang isang ahensiyang tutok sa emergency response upang mas maprotektahan ang publiko.

“Emergency measures are a step towards long-term development. We have to seriously consider establishing an Emergency Response Department or we risk leaving our kababayan vulnerable during disasters,” wika ni Cayetano.

“We may not be able to stop disasters, but we can empower ourselves with knowledge, training, education, equipment, tools, and the right infrastructure to cope with disasters so many lives would not be lost and there would be less devastation,” dagdag niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here