Home METRO Anak kinatay ni tatay; bangkay umalingasaw sa kanal

Anak kinatay ni tatay; bangkay umalingasaw sa kanal

221
0

ILOILO CITY – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa kanal matapos umanong saksakin at itapon ng sarili niyang ama, makaraang suntukin umano ng una ang huli. Iniulat ang insidente sa Brgy. Sta. Rita, Oton, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Raymundo Sarad Jr., 36, habang ang suspek ay ang sariling ama nitong si Raymundo Sarad Sr. Kapwa sila residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat ng Oton Municipal Police Station, nadiskubre ang bangkay ng biktima bandang alas-6:00 ng umaga noong Sabado, Mayo 10, 2025, sa isang kanal malapit sa kanilang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon, nagtamo ng mga saksak sa kamay at hita ang biktima na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Bago ang krimen, narinig umano ng mga kapitbahay ang mag-ama na nagtatalo at parehong nasa impluwensya ng alak. Ayon sa mga saksi, nagbantaan pa umano ang dalawa na magpapatayan.

Ikinuwento ng ilang kaanak na kapag nalalasing si Sarad Jr. ay madalas itong nagwawala at naghahamon ng away.

Naaresto ng mga awtoridad si Sarad Sr. na may pasa pa sa mata, ngunit itinanggi nito ang pananaksak sa anak. Sa kabila nito, hindi na nagsampa ng kaso ang mga kaanak ng biktima laban sa matanda. (Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here