
MANILA, Philippines – Nasabat ng mga pulis sa isang checkpoint sa Brgy. Mapalad, Arayat, Pampanga ang ₱900,000 halaga ng pekeng sigarilyo noong Mayo 14, 2025.
Arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina “Gerald” ng Lubao, Pampanga at “Noel” ng San Luis, Batangas matapos tangkaing tumakas.

