MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang ₱686.8 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga noong Mayo 14, 2025.
Arestado sina alyas “Wang,” 31, isang Chinese national na naninirahan sa Clark, at alyas “Shania,” 24, na mula sa Tarlac City. Nahuli sila sa isang entrapment operation bandang 11:35 ng umaga sa Friendship Highway.







