Home METRO 2,264 lindol yumanig sa Sultan Kudarat

2,264 lindol yumanig sa Sultan Kudarat

211
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Huwebes na umabot na sa 2,264 ang bilang ng lindol sa offshore Sultan Kudarat mula Enero 19.

Hanggang alas-7 ng umaga, 84 sa mga lindol ang naramdaman, na may magnitude mula 1.3 hanggang 5.9. Sinabi ng PHIVOLCS na maaaring dulot ito ng paggalaw sa Cotabato Trench.

Paliwanag ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol, ang serye ng lindol ay marahil bunga ng unti-unting pagpapakawala ng stress sa nasabing trench.

“It may or may not lead to a larger event… Earthquake swarms do not automatically mean that a stronger earthquake will follow,” ani Bacolcol.

Nagpayo ang ahensya sa mga residente na maging alerto at handa sa posibleng panganib.

“Maging handa sa lindol at gawin ang DUCK/DROP, COVER, and HOLD,” ani PHIVOLCS.

“Para sa mga nasa baybayin, maging alerto sa mga senyales ng paparating na lokal na tsunami – SHAKE o malakas na lindol; DROP, o biglaang pagbabago sa antas ng tubig-dagat; at ROAR, o kakaibang tunog tulad ng dagundong ng papalapit na alon.

Kapag naobserbahan ang alinman sa mga ito ay AGAD na LUMIKAS patungo sa mataas na lugar o papalayo sa dagat,” dagdag ng ahensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here