Home METRO 4 terorista utas sa bakbakan sa Maguindanao Norte

4 terorista utas sa bakbakan sa Maguindanao Norte

MANILA, Philippines – Apat na kasapi ng Dawlah Islamiyah-Hasan Group ang napatay sa sagupaan laban sa Philippine Marines sa Barira, Maguindanao del Norte noong Lunes ng umaga.

Nagsagawa ng operasyon ang 6th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team 2 (MBLT-2) sa Sitio Palao, kung saan naganap ang isang sagupaan na ikinasawi ng apat na militante.

Narekober ng militar ang mga gamit pandigma, at tatlo sa mga napatay ay nakilala na, kung saan kinuha na ng kanilang pamilya ang mga labi.

Target ng operasyon ang grupong pinamumunuan ng isang lalaking kilala bilang “Alpha King,” na matagal nang minamanmanan ng mga Marines mula pa noong Enero.

Walang nasawi o nasugatan sa panig ng gobyerno sa loob ng limang minutong sagupaan. Patuloy ang clearing operations habang naghahanda ang mga tropa sa posibleng ganting-atake. RNT