Home METRO 23.2 toneladang basura, nahakot sa Manila Bay sa loob ng isang linggo

23.2 toneladang basura, nahakot sa Manila Bay sa loob ng isang linggo

321
0

PASAY, Philippines – Nagsagawa ng coastal cleanup sa kahabaan ng Libertad Channel at karatig baybayin ng Manila Bay ang lokal na pamahalaan ng Pasay katuwang ang SM Smart City Infrastructure Development Corporation (SM SCIDC) at Pasay Libertad Anglers Association (PLAA).

Ang nahakot ay may kabuuang 23.2 toneladang basura sa loob lamang ng isang linggong operasyon bilang bahagi ng pagsisikap sa pagtugon ng problema sa pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang mga nakolektang basura na umabot ng 23,203 kilos ay kabuuang bilang sa pagsasagawa ng isang linggong coastal clean-up mula Agosto 7 hanggang Agosto 15, 2025.

(Agosto 07 – 1748 kgs, Agosto 08 – 2509 kgs, Agosto 11 – 3533 kgs, Agosto 12 – 2856 kgs, Agosto 13 – 3641 kgs, Agosto 14 – 3978 kgs, at Agosto 15 – 4938 kgs)

Sa tulong ng mga nabanggit na grupo ay nasimulan ng lokal na pamahalaan ang malawakang paglilinis sa kahabaan ng Manila Bay sa pamamagitan ng pagpagtatanggal ng basura upang maiwasan ang pagbara sa waterways at maprotektahan na din ang kalusugan ng publiko sa mga toxic substance at hazards.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang naturang inisyatibo ay pagpapakita din ng pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) na gumawa ng hakbang ang mga LGUs upang matugunan ang matagal nang problema ng pagbaha sa Metro Manila.

“Improper waste management is a serious issue that not only endangers public health, but also significantly contributes to flooding. Garbage that’s improperly disposed of, which ranges from refrigerators to even sofas, blocks the waterways, which worsens the flooding during the typhoon season,” ani Calixto-Rubiano.

Kasabay nito ay sinabi ni Calixto-Rubiano na sa panig naman ng lokal na pamahalaan ay kanilang pagtitibayin ang pagpaplano sa waste disposal management gayundin ang implementasyon sa desilting ng mga ilog upang mapalakas ang kapasidad ng pagpapadaloy ng tubig para sa ligtas at malinis na kapaligiran. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here