Home NATIONWIDE 2,300 tao sa Europe, todas sa heat wave sa 10 araw

2,300 tao sa Europe, todas sa heat wave sa 10 araw

192
0

EUROPE – Tinatayang 2,300 katao ang nasawi dahil sa matinding heat wave na tumama sa Europa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 2, batay sa bagong pag-aaral ng Imperial College London at London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Sa naturang bilang, humigit-kumulang 1,500 pagkamatay o 65% ay may kaugnayan sa climate change, na nagpalala sa init ng panahon sa mga unang linggo ng tag-init.

Saklaw ng pag-aaral ang 12 lungsod sa Europa, kabilang ang London, Paris, Rome, Madrid, at Athens, kung saan tumaas nang hanggang 4°C ang temperatura.

Babala ng mga eksperto, patuloy na lalala ang heat extremes dulot ng climate change at posibleng mas maraming masawi sa mga susunod na heat wave.

Ayon sa EU Copernicus Climate Change Service, ang Hunyo 2025 ang ikatlong pinakamainit na Hunyo sa buong mundo.

Ayon kay Samantha Burgess, climate strategist ng European Centre for Medium-Range Weather Forecasts, mas pinatindi ng mataas na sea surface temperatures sa western Mediterranean ang heat wave sa western Europe. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here