Home NATIONWIDE HFMD kumakalat sa NegOcc town; klase sinuspinde

HFMD kumakalat sa NegOcc town; klase sinuspinde

218
0

NegOcc, Philippines – Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng E.B. Magalona sa Negros Occidental ang face-to-face classes sa ilang pampublikong elementarya nitong Huwebes at Biyernes, Hulyo 11, upang tugunan ang mga kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa mga mag-aaral.

Sa bisa ng executive order ni Mayor Matthew Louis Malacon, pansamantalang lilipat sa alternative delivery mode gamit ang emergency learning kits ang mga klase habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang pangkalusugan.

Apektado ang Nanca Elementary School, E.B. Magalona Elementary School, at lahat ng child development centers sa bayan. Umabot na sa 18 ang naitalang kaso ng HFMD sa iba’t ibang barangay hanggang Hulyo 9.

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na karaniwan sa mga bata, na nagdudulot ng lagnat, sore throat, at mga pantal sa kamay, paa, at bibig. Ayon sa DOH, dapat i-isolate ang mga pasyenteng may sintomas sa loob ng 7 hanggang 10 araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here