Home NATIONWIDE 24 patay sa air strike ng Israel sa mosque, paaralan sa Gaza

24 patay sa air strike ng Israel sa mosque, paaralan sa Gaza

217
0

GAZA – CAIRO – Patay ang 24 katao at sugatan ang 93 iba pa matapos targetin ng mga air strike ng Israel ang paaralan at mosque kung saan tumutuloy ang mga lumikas na mamamayan sa Gaza Strip.

Ang strike sa mosque at paaralan ay nangyari malapit sa Al-Aqsa Hospital sa Deir al-Balah sa central Gaza Strip.

Sa pahayag, sinabi ng Israeli military na nagsagawa ito ng “precise strikes on Hamas terrorists” na nag-ooperate sa command at control centers na nakahalo sa Ibn Rushd School at Shuhada al-Aqsa Mosque sa lugar ng Deir al Balah. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here