Home NATIONWIDE Impeachment ni VP Sara itutulak ng ACT-Teachers

Impeachment ni VP Sara itutulak ng ACT-Teachers

ACT Teachers Partylist, naghain na ng Certificate of Candidacy. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sinabi ni ACT-Teachers first nominee Antonio Tinio nitong Linggo, Oktubre 6 na layon ng kanilang party-list na panagutin ang lahat ng mga tiwaling opisyal at politiko, kasabay ng pagsusulong ng impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ang pahayag na ito ni Tinio ay kasabay ng kanilang paghahain ng kandidatura para sa congressional seat sa 2025 elections nang maghain ang mga ito ng certificates of candidacy at certificates of nomination and acceptance.

“What we are really calling for is accountability for everyone who needs to be held accountable both in the previous Duterte administration and this present one,” sinabi ni Tinio sa isang panayam.

“That includes the impeachment of VP Duterte, as being responsible for the embezzlement of confidential funds.,” dagdag niya.

Ang tinutukoy ni Tinio ay ang umano’y maling paggamit ni Duterte ng pondo mula sa kanyang opisinang Office of the Vice President, maging ang kanyang pag-upo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) bago ito nagbitiw sa pwesto noong Hulyo 19, 2024.

“ACT-Teachers will definitely be the first to push it, right now if possible, or at least in the next Congress,” ani Tinio. RNT/JGC