MANILA, Philippines – Magbabalik sa Senado si dating senador Gringo Honasan III matapos makahaghain na ng Certificate of Candidacy o COC sa huling dalawang araw ng paghahain ng kandidatura sa Manila Hotel Tent City ngayong Lunes, Oktubre 7.
Si Honasan ay unang sumabak sa politika noong 1995 bilang isang kauna-unahang independent candidate sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakuha ng pwesto.
Ayon kay Honasan, nagpasya itong bumalik sa Senado upang gumawa ng pagbabago sa pamahalaan.
Si Honasan ay tatakbo sa Senado sa ilalim ng Reform party kaya naman nais nitong ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan sa Senado sa pagsusulong ng kanyang programa at plataporma.
“We are fighting for land reform, social reform, any reform,” ani Honasan.
Si Honasan ay nanguna rin sa coups d’etat laban kay dating Pangulong Corazon Aquino at malaki ang naging papel sa 1986 EDSA Revolution nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Samantala, maaga ring naghain na rin ng Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) ang Ako Bicol Partylist na unang lumahok noong 2010 at nabigyan ng tatlong pwesto makaraang makakuha ng 1.5 votes. Jocelyn Tabangcura-Domenden