Home HOME BANNER STORY 24 Pinoy na nakapiit sa Russia, pinalaya ni Putin sa pagbisita ni...

24 Pinoy na nakapiit sa Russia, pinalaya ni Putin sa pagbisita ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – PINAHINTULUTAN ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapalaya sa 24 na Pinoy na nakakulong sa Siberian town ng Irkutsk sa loob ng siyam na buwan dahil sa immigration issues.

Ang mga Pinoy ay nakulong sa Irkutsk simula pa noong mid-2025 matapos pangasiwaan ng illegal recruiters ang kanilang pagpasok sa Russia.

“Noong nag-bilateral with President Putin, binanggit ko ito at nagulat siya. Sabi niya, ‘Hindi ko alam ’yan.’ Noong dinner kagabi, sabi niya, ‘Nakita na namin kung ano ang sitwasyon,’” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Sabi niya (Putin), they have not been charged with anything but they have been kept in detention for 9 months,” aniya.

“Sabi niya (Putin), ‘We will find a way.’ And now the 24 Filipinos will be released. They will be ready for deportation tomorrow by 5 p.m. so those Filipinos will go back to the Philippines and back with their families,” he said.

Russia gave the Filipinos an option to legally work here, but they chose to come home to the Philippines, dagdag na pahayag nito.

Tinatayang may 15,000 Filipino sa Russia, batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs.

Ang kaganapang ito ay habang ang Pilipinas, chairperson ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon, ay itinutulak ang pagkakaroon ng mas malapit na ugnayan sa Russia, na itinuturing na most oil-rich country sa Europa at pinakamalaking ekonomiya sa Eurasia. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here