Home METRO 24 Tsino arestado sa ilegal na pagtatrabaho sa Pinas

24 Tsino arestado sa ilegal na pagtatrabaho sa Pinas

25
0

PANABO CITY, Davao del Norte — Dalawampu’t apat na Chinese nationals ang inaresto sa isang joint operation ng Bureau of Immigration (BI) Davao Region at Philippine Army’s 10th Infantry Division noong Lunes kaugnay ng umano’y ilegal na pagtatrabaho at paglabag sa immigration laws.

Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang operasyon sa Purok 4, Barangay New Little Panay matapos ang intelligence reports na may mga dayuhang nagtatrabaho nang walang tamang pahintulot at gumagamit ng kaduda-dudang immigration documents.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na lumabag ang mga ito sa ilang probisyon ng Philippine Immigration Act of 1940, kabilang ang misrepresentation, pagtatrabaho nang walang kaukulang visa o permit, overstaying, at ilegal na employment.

Dinala sa isang compound sa lugar ang mga naarestong dayuhan para sa initial processing at dokumentasyon ng mga awtoridad sa imigrasyon.

Sinabi ng BI Davao Region na bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na employment at paglabag sa immigration laws ng mga dayuhan sa rehiyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang kabuuang lawak ng paglabag at posibleng iba pang sangkot sa operasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here