Home NATIONWIDE 2,424 silid-aralan napinsala ng Habagat- DepEd

2,424 silid-aralan napinsala ng Habagat- DepEd

1
0

MANILA, Philippines – MAY kabuuang 2,424 silid-aralan ang napinsala dulot ng malakas na pag-ulan na bitbit ng southwest monsoon o habagat.

Batay sa paunang assessment mula sa Department of Education’s Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), ipinapakita na may 403 ng mga silid-aralan ang totally damaged, habang 505 ang nagtamo ng major damage, at 1,516 ang nagtamo ng minor damage.

Sinabi ng DepEd na kasalukuyang bina-validate ng Regional and Schools Division Offices ang data upang madetermina ang priority sites para sa agarang deployment ng emergency cleanup personnel.

Sa kabilang dako, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na minamadali na ng DepEd at Department of Labor and Employment (DOLE) ang rehabilitasyon ng public schools na napinsala ng malakas na ulan.

Pinasalamatan ni Angara ang DOLE at ang Office of the Executive Secretary para sa pagbibigay ng mahalagang manpower at operational support para sa kahandaan ng mga paaralan at emergency cleanups.

“Ito ang tunay na diwa ng bayanihan—nagbibigay tayo ng pangkabuhayan sa ating mga manggagawa habang tinitiyak na ligtas at handa ang ating mga paaralan,” ang sinabi ni Angara.

Sa ilalim ng TUPAD-Brigada Eskwela initiative, ‘as of July 30, 2026’, pinondohan ng DOLE ang deployment ng 168,517 temporary workers para sa 9,186 public schools sa buong bansa, nagbigay ng P 1.07 bilyon na financial assistance para suportahan ang school opening operations.

Pinuri naman ni Angara ang DOLE para sa commitment nito na magbigay ng emergency labor assistance para tulungan ang habagat-affected schools na kagyat na makabangon.

“Ngayong hinaharap natin ang pinsala ng habagat, muli tayong nagpapasalamat sa DOLE sa kanilang mabilis na pagtugon. Sa tulong ng ating emergency labor augmentation, mas mabilis nating malilinis at maipapaayos ang ating mga silid-aralan upang maiwasan ang anumang abala sa pag-aaral ng ating mga kabataan,” ayon sa Kalihim. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here