MANILA, Philippines – Kinuha bilang forest rangers ng Natural Resources Office ng Borongan City ang nasa 25 dating rebelde ng New People’s Army.
Natanggap na ng mga ito ang unang sahod, kasabay ng kolaborasyon ng local na pamahalaan sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Eastern Samar at 78th Infantry (Warrior) Battalion.
Layunin ng mga forest ranger na bantayan ang mga kagubatan na nakapalibot sa lungsod.
Nilalabanan ng mga ito ang illegal logging,
environmental degradation, at iba pang ecological threats.
Pinuri naman ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda ang episyenteng facilitation at suporta ng 78th IB sa peace, development, at environmental programs sa lugar.
Siniguro nito na ang bawat Boronganon ay may pantay-pantay na oportunidad sa buhay.
“This program emphasizes that here in Borongan, nobody will be left behind,” ani Agda. RNT/JGC