Home NATIONWIDE 25 katao naapektuhan sa gas leak sa Makati

25 katao naapektuhan sa gas leak sa Makati

60
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 25 katao ang naapektuhan matapos ang insidente ng gas leak sa isang gusali sa Makati City noong Lunes ng hapon, Mayo 18.

Nangyari ang insidente bandang 4:45 p.m. sa isang building malapit sa Jaime Velasquez Park sa Leviste Street, Barangay Bel-Air.

Agad na naglagay ng Incident Command Post, triage area, at holding area ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Ayon sa DRRMO, anim na indibidwal ang nasa “red tag” o malubha ang kondisyon kaya agad silang isinugod sa iba’t ibang ospital.

Sampu naman ang nasa “green tag” o maayos ang kondisyon, habang siyam ang isinailalim sa obserbasyon bilang “yellow tag.”

May lima pang indibidwal ang dinala rin sa mga kalapit na ospital para sa karagdagang gamutan.

Sinabi ni Makati City Fire Marshal Mariano Taguiang na tumagal nang ilang oras ang operasyon para matiyak na ligtas na ang lugar mula sa gas leak.

Bandang 6:55 p.m., idineklara ng mga awtoridad na ligtas na muli ang lugar habang nanatiling nakaantabay ang mga pulis para sa monitoring operations. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here