Home NATIONWIDE Listahan ng media personnel na nasa Senado nang maganap shooting incident, hinihingi...

Listahan ng media personnel na nasa Senado nang maganap shooting incident, hinihingi ng Ombudsman

51
0

MANILA, Philippines – Humingi ang Office of the Ombudsman ng listahan ng mga media personnel na nasa Senado noong naganap ang barilan at lockdown sa gusali noong Mayo 13 at 14, 2026.

Sa liham ni FIB Director Maria Melinda Mananghaya-Henson na ipinadala kay Senate Public Relations and Information Bureau Director Michael Caber, hiniling nito ang mga pangalan ng media personnel na nasa loob ng Senate premises bilang bahagi ng fact-finding investigation ng Ombudsman.

Noong Mayo 13, maraming mamamahayag ang nasa Senado bago at habang nagaganap ang insidente ng barilan. Ang ilan sa kanila ay nanatili sa loob ng compound hanggang madaling araw ng Mayo 14.

Batay sa paunang imbestigasyon ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, si Senate Sergeant-at-Arms Ma.O Aplasca umano ang unang nagpaputok ng warning shot matapos umanong tumanggi ang isang National Bureau of Investigation (NBI) agent na ibaba ang kanyang “long firearm.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here