Home NATIONWIDE 25 OFWs mula Israel nakabalik na sa bansa

25 OFWs mula Israel nakabalik na sa bansa

224
0

MANILA, Philippines – Nasa 25 oversaes Filipino caregivers mula Israel ang nakabalik na ng ligtas sa Pilipinas at nakasama na ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng voluntary repatration program ng gobyerno.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang mga Overseas Filipinos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Hulyo 6.

Sila ay sinalubong ng whole-of-government team sa pangunguna ni Migrant Workers Secertary Hans Leo J.Cacdac.

Nagbigay ang DMW ng tulong pinansyal kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamumuno ni Administrative PY Caunan sa mga returnees sa pamamagitan ng pangunahing programa tulad ng AKSYON Fund at ang Emergency Repatriation Fund.

Bilang karagdagan, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbibigay ng hiwalay na cash assistance.

Bukod pa rito, ang TESDA training vouncehrs para sa skills upgrading, medical checkups at health referrals mula sa Department of Health.

Ang 25 caregivers ay bahagi ng 39th batch ng OFWs na napauwi mula Israel. Sa kabuuan, 72 Filipinons na ang nakabalik ng bansa mula Israel simula nang sumiklab ang tensyon sa naturang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here