Home ENTERTAINMENT Ivana at Dan, bistado sa closet!

Ivana at Dan, bistado sa closet!

244
0

Manila, Philippines- “Closet is the ultimate truth teller.”

Mula sa isang netizen ang linyang ito bilang reaksyon sa pagkakapareho ng closet sa magkabukod na bahay ni Ivana Alawi at dating Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez.

Lumikha nga ng ingay ang pagkakadikit ng mga larawan ng kani-kanilang closet as flexed on social media.

Nagkakapareho kasi ng kulay ang mga closet nina Ivana at Dan.

Pareho rin ang disenyo ng ginamit na tiles nito.

Maging ang mga nakasabit na kurtina ay magkahawig din.

Ewan kung coincidence o nagkataon lang ‘yon.

Maiisip kasi ng sinumang netizen na there’s more to the similarity of their respective closets at home.

Kaya ang tanong–may something ba sa pagitan nina Ivana at Dan?

Matatandaang sa guesting ng actress-vlogger sa Fast Talk with Boy Abunda’y itinanggi niya ang tungkol sa kanila ng aktor-pulitiko.

This time, how will Ivana explain the “closet issue”? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here