Home NATIONWIDE 254 Pinoy sa Lebanon uuwi sa PH ngayong Oktubre

254 Pinoy sa Lebanon uuwi sa PH ngayong Oktubre

MANILA, Philippines- Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang mahigit 250 Pilipino bago matapos ang taon dahil sa labanan sa pagitan ng Israeli forces at Hezbollah, sinabi ng  Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes. 

Sinabi ni Migrant Secretary Hans Cacdac na na-book na ang plane tickets ng kabuuang 254 Filipinos sa Lebanon, kung saan ang m254 PinoktubreOLebanon ngayong y uuwi sa Pinas galing ga  flights ay naka-iskedyul sa Oktubre 14 hanggang 28.

Bukod dito, mayroon pa aniyang humigit-kumulang 300 na pending sa Lebanese immigration authorities.

Kasalukuyang may 178 Pilipino ang namamalagi sa shelters sa Beirut sa gitna ng tensyon sa Middle Eastern countries.

Sa kabuuan, 460 Pilipino ang nakauwi na sa Pilipinas kasama ang kanilang 28 dependents, mula nang magsimula ang repatriation efforts ng gobyerno ng Pilipinas noong nakaraang taon. 

Ang Alert Level 3 ay nananatiling nakataas sa Lebanon, ibig sabihin, ang mga Pilipino doon ay maaaring boluntaryong umuwi. Jocelyn Tabangcura-Domenden