Home METRO Karate instructor kalaboso sa pagnanakaw

Karate instructor kalaboso sa pagnanakaw

142
0

MANILA, Philippines- Nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Parañaque City police ang isang karate instructor na nanloob sa isang bahay Sabado ng umaga, Oktubre 12.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director PBGen Bernard Yang, naisakatuparan ang pag-aresto sa suspect na kinilalang si alyas Davy bandang hapon ng Oktubre 12 sa pagsasagawa ng follow-up operation matapos mag-report ang pamilya ng biktima tungkol sa panlolob kanilang bahay sa Barangay Tambo, Parañaque City .

Sinabi ni Yang na natangay ng suspect sa biktima ang isang gadget, iPhone, at pera na nagkakahalaga ng P5,000.

Napag-alaman kay Yang na SPD Director Brig. Gen. Bernard Yang na natukoy na nasa Sta. Cruz, Manila ang kinaroroonan ni alyas Davy dahil sa paggamit ng global positioning system (GPS) ng mobile phone na tinangay ng suspect.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang suspek na nahaharap sa mga kasong robbery, illegal possession of firearms, resistance and disobedience to a person in authority, at access device regulation act. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here