Home METRO 26-anyos na buntis, sanggol patay sa hagip ng van

26-anyos na buntis, sanggol patay sa hagip ng van

166
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 26-anyos na buntis maging ang kanyang dinadalang sanggol matapos masagasaan ng isang wing van sa Danao City, Cebu nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Ayon sa awtoridad, tumatawid ang biktima at pauwi na nang mahagip at magulungan ng wing van.

Tinangka umano ng driver na tumakas pero nahabol siya ng mga pulis at nagawang maaresto sa bayan ng Carmen.

Napag-alaman na patungong Leyte ang wing van para maghatid ng noodles. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here