Home NATIONWIDE 26 lugar tutustahin sa malaimpyernong damang-init

26 lugar tutustahin sa malaimpyernong damang-init

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Ibinabala ng PAGASA ang “danger level” na damang-init o heat index sa 26 na lugar sa Pilipinas sa Martes, Abril 22, 2025.

Pinakamataas ang inaasahang 46°C sa San Ildefonso, Bulacan, habang 45°C sa Dagupan City at 44°C sa Tuguegarao City.

Makararanas naman ng 43°C heat index ang:

Aparri, Cagayan
ISU Echague, Isabela
Baler (Radar), Aurora
Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
Sangley Point, Cavite City, Cavite
Puerto Princesa City, Palawan
Aborlan, Palawan
Cuyo, Palawan
Dumangas, Iloilo

Habang mararanasan ang 42°C heat index sa:

Laoag City, Ilocos Norte
Bacnotan, La Union
Calayan, Cagayan
Casiguran, Aurora
Iba, Zambales
TAU Camiling, Tarlac
Hacienda Luisita, Tarlac City
Coron, Palawan
San Jose, Occidental Mindoro
Masbate City, Masbate
CBSUA-Pili, Camarines Sur
BIA-Daraga, Albay
Catarman, Northern Samar
Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

Itinuturing ng PAGASA na mapanganib ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C, dahil sa banta ng heat stroke.

Ayon sa Department of Health, mahalagang uminom ng hanggang 10 basong tubig kada araw ang mga matagal sa ilalim ng araw.

“Pinapayuhan namin ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na dulot ng matinding init,” babala ng PAGASA. RNT